Galit si dating housemate ng Pinoy Big Brother at dating show host ng Eat Bulaga. Mangiyak-ngiyak niyang inamin sa kanyang live video na nag-away sila ng kanyang partner na si Leon Sumagui na humantong sa hiwalayan at tangay nito ang perang ibinayad ng kanyang mga customer, kaya kailangan niyang i-cancel ang mga order sa kanyang negosyong kakanin sa buwan ng September.
Sabi ni Gladys:
Hindi ba ang sakit sa loob na karelasyon mo pa. I'm not saying itinkabo 'yung pera, but some of it tinakbo na talaga, dahil ayaw nang sumagot ngayon, ayaw na ibigay, ayaw nang sumagot ng tawag at mapapatunayan ko po 'yan
Ayon kay Gladys hindi pa daw ibinalik ng kanyang dating partner ang halagang 9,100 na bayad para sa mga order na nakatakdang i-deliver ng Setyembre 3.
Maliit lang naman P9,100 pero 'yung trust, ka-relasyon ko pa. Tapos ini-introduce ko sa inyong lahat, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, tapos ganun ang magagawa sa akin. At sana raw maging masaya ako mag-isa.Sabi ni Guevarra.
Ipinaliwanag ng komeyante na ang partner niya ang nagha-handle ng mga payments sa dahilan na hindi pang-online yung BDO niya. Kaya sumang-ayon siya sa suggestion na sa kanyang dating jowa na lang na mga account ang ilalagay as mode of payments.
At nang mag-away silang dalawa ay binura raw umano ni Leon ang mga record ng mga transaction sa kanyang computer kaya nahihirapan siyang mag-refund sa kanyang mga customer. Sa video ipinakita pa niya kung paano niransak ang opisina niya sa bahay.
Ani pa ni chuchay hindi na raw niya kailangang ipa-blotter at ipa-report ng NBI dahil pulis at karma sapat na daw.
Panoorin ang kabuoan ng video sa ibaba:
Kinontra naman ng dati niyang boyfriend ang mga rebelasyon ni Gladys. Ayon kay Leon sa kanyang Youtube channel, hindi daw totoo na niransak niya ang office at pinatay ang server ng computer dahil sa time na iyon si Gladys daw ang nagwala at hindi siya.
Hindi daw server ng computer ang ino-off niya kundi ang order form.
Ang purpose po kasi ng pag-down ko sa order form is para hindi na po kayo mag-order or hindi na po sila makapag-place ng order and hindi na sila mag-deposit sa account ko. Para hindi na mag-appear. Para less hussle na mag-refund kami ng pera.
Yong [P9,100] po na hinahanap nu'ng September 3, which is supposedly 8,300 lang ang nasa record... Ang nangyari kasi, September 2 naganap 'yong pag-aaway namin; September 3 meron kaming delivery so September 1 ni-remit ko po sa kanya 'yong pera. Kasi po 'yong pera na 'yon gagamitin n'ya pambili ng raw materials
Hanggang ngayon daw sabi ng dati niyang boyfriend na may communication pa daw sila ng pamangkin ni Gladys at na-withdraw na daw niya yung mga perang pumasok sa account niya at nai-turn over na daw niya sa kapatid nito.
Sa video hinamon din ni Leon ang dati niyang girlfriend kung too man ang kanyang mga paratang ay dapat daw magsampa ito ng kaso.
Kung may itinakbo man po akong pera, tutal, nakapaskil naman po ang mukha ko sa social media, nakuha na ng ABS, GMA and TV5, so, kung may tinakbo man po akong pera why not kasuhan na lang po ako or ipahuli na lang po ako sa pulis
Panoorin ang video:
0 Mga Komento