Dahil sa Covid-19 maraming mga artista ang naapektuhan ang kanilang hanap-buhay sa showbiz at isa na nga sa mga ito ay ang megastar. Dagdag hirap pa tuloy ang pagsara ng ABS-CBN.
Aminado naman si ate shawie na nagbebenta na nga lang ito ng ilan sa kanyang mga properties para makabawi sa pagkawala ng trabaho.
Pero wais pala itong award-winning-actress dahil ayon sa nai-share sa vlog niya, mahilig daw siyang mangolekta ng mga gamit at properties na tumataas ang value.
Sabi pa niya na napakarami sana siyang gagawin na proyekto tulad ng mga concert, corporate shows at pelikula.
“Like wala akong trabaho ng walong buwan na. I lost two concert tours, one with Regine and one in Australia by myself.
This year, I would’ve been shooting my third movie by this time for the year kung hindi nagka-COVID. At meron akong corporate shows na sunod-sunod. Mga lima yata naka-lineup na hindi natuloy. Ang dami na po nawala,” lahad ni Sharon sa kanyang YouTube vlog.
Pero sa awa ng Diyos, I was able to sell real estate just before last year ended and that is why I’m okay and nakakatulong. And I’m selling properties.
Yan ang ganda ng pag-iinvest. Kasi alam ko kung kailan ako pwede gumastos para ma-enjoy ko ‘yung pera because I don’t like money to rule me.
I like to enjoy money. And I love money. You know why? Because I am the master of my money. Money is not my master. It never will be,” paniniguro pa ng movie queen.
Photo source:Flickr
0 Mga Komento