Bong Revilla Pinabulaanan Ang Fakenews na Patay na Siya

 


Ang actor-politician na nag-positive sa covid-19 noong august 9 at naospital dahil sa pneumonia ay nakatanggap ng mga concerned calls dahil patay na daw siya.

“Sa lahat po ng mga nanood, si Bong Revilla po ay buhay na buhay,”anunsiyo niya sa kanyang Facebook live. Sinabi din niya na “road to full recovery”na daw siya at nagsimula ng magtrabaho mula sa bahay.

“Marami po kasing tumatawag sa akin kagabi pa. Yung iba umiiyak, kanina umiiyak din dami akala namatay na daw ako. Tumatawag from Cebu, from Davao, from the States kumalat na na ako daw ay pumanaw na. Buhay na buhay po ako at malakas na malakas,”

“Bumalik na po ako sa session, although via Zoom, online lang. Pero tayo po ay nagtatrabaho na bilang senador ulit. Marami po tayong ginagawang trabaho sa senado.”

Sa mga nagpapakalat naman ng death hoax at gusto siyang mamatay, ito ang kanyang sinabi:

 “Itong mga walang magawa sa buhay na pilit tayong pinapatay eh, buhay na buhay po ako. Para doon sa mga nagmamahal sa akin, andito po ako buhay na buhay. Buhay na buhay po si Bong Revilla, at hindi po tayo papatalo sa covid.”

 Ibinahagi din niya ang kanyang karanasan sa pagkakasakit ng coronavirus.

 “Lahat ng kinakain ko maalat, matabang hindi mo maintindihan yung lasa. Kapag nangyari po ‘yun sa inyo, watch out, ‘yun na yun. Tapos para ka pa laging nahihilo, gusto mo laging matulog.”

Lubos ang kanyang pasasalamat sa Dios dahil sa kanyang paggaling.

“Kapag nagfa-flashback sa akin yung nangyari sa akin talagang wow. Lord, thank you, I’m still alive,”

“Sa lahat ng mga nagdasal, maraming salamat po sa inyo at ‘yung pilit na pilit akong pinapatay, ‘wag naman at marami pa tayong gagawin para sa ating mga kababayan.

“Wag ho kayong mag-alala, buhay ako, buhay na buhay si Bong Revilla,”


Posted by Ramon Bong Revilla, Jr. on Thursday, August 27, 2020

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento